Muling nagsagawa ng Orientation/Seminar on Women’s and Children’s Rights ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa mga piling barangay, upang imulat ang mga kalahok sa iba’t ibang karapatan na makatutulong sa pagtataguyod ng kapakanan at pagprotekta sa kababaihan at mga bata sa kanilang barangay.
Sa magkakahiwalay na aktibidad, ipinaliwanag ng mga taga-San Carlos City Public Attorney’s Office na sina PAO OIC, Atty. Glee-ce Macaranas Basco, Atty. Sherwin Flores, Atty. Frederick De Vera, Atty. Joanna Bermachea, Atty. Jet Mark Ortiz, Atty. Glamour John Tulagan, Atty. Jordan Galimba, at Atty. Korina Cueva ng Public Attorney’s Office (PAO), ang R.A. 11313 o Safe Spaces Act of 2019 na kilala rin bilang “Anti-Bastos Law” at Rape Law and Its Amendment.
Tinalakay nila ang iba’t ibang uri ng sekswal na karahasan laban sa kababaihan at maging sa kalalakihan. Nakalakip ang iba’t ibang parusa sa pagsasagawa ng nasabing gawain, at kung ano ang maaaring gawin ng mga opisyal ng barangay upang maiwasan ang nasabing karahasan. Napag-usapan din ang child custody, kasama ang mga paraan at posibleng solusyon para magkaroon ng magandang pagkakaunawaan ang mga magulang.
Matagumpay na naisagawa ng MSWDO ang nasabing aktibidad sa mga barangay ng Managos, Warding, Bani, Ligue, Manambong Norte, Manambong Sur, Nalsian Norte, Nalsian Sur, Reynado, at Hermoza noong February 28, March 14, April 11, April 26, at June 21, 2024.
Sa pamamagitan ng seryeng ito ng oryentasyon at seminar sa pakikipagtulungan ng Public Attorney’s Office-San Carlos City, mapapaunlad ng mga kalahok ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan sa kanilang komunidad.
Sa kabuaan ay may 273 kalahok (babae: 157; lalaki: 116) ang umattend sa aktibidad.
Kabilang sa mga dumalo ang mga Barangay VAW Desk Officers, Barangay Service Point Officers, Child Development Workers, Barangay Health Workers, Kagawad on Social Services, women’s organization officers, teachers/Parents-Teachers Association members/guidance counselors, at mga ama o kalalakihan. (JE/RSO; MSWDO)