SK Fed. Pres. Dulay, Delegado sa National Youth Convention 2023

Kabilang si Bayambang SK Federation President Marianne Cheska Dulay sa mga dumalo sa pagtitipon ng higit isang libong Sangguniang Kabataan Federation Presidents mula sa iba’t ibang bayan sa bansa para sa National Youth Convention 2023.

Ang convention ay ginanap sa Baguio City noong December 7-10, 2023 at pinangunahan ni Usec. Ronald L. Cardema, Chairperson at CEO ng National Youth Commission, sa temang “Mga Bagong Bida sa Bagong Pilipinas.”

Sa pagtitipon, nagkaroon ang mga youth leader ng pagkakataon na personal na makipagpulong sa mga matataas na opisyal ng bansa at makakuha ng inspirasyon mula sa mga ito ukol sa matagumpay na pagbibigay serbisyo publiko.

Isinagawa rin ang eleksyon sa pagpili ng SK National Representative (Ex-Officio Commissioner to the NYC) at SK Island Representative to the NYC-NAC na siyang ipinag-uutos ng batas sa DILG-NYC.

Bukod pa rito, samu’t saring aktibidad din ang aktibong nilahukan ni Pres. Dulay gaya na lamang ng Basic Survival and Basic First Aid bilang parte ng Disaster Preparedness Lecture at Basic Self-Defense and Basic Markmanship at marami pang iba na makatutulong sa kanyang paglilingkod sa bawat kabataang Bayambangueño at sa bayan.

 (by: Sheina Mae U. Gravidez/ RSO; photo: SK President Marianne Cheska Dulay)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *