SK Federation President Dulay, Opisyal nang Umupo bilang SB Ex-officio Member

Ang bagong Pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation na si Hon. Marianne Cheska B. Dulay ay pormal nang umupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Bayan noong Lunes, Nobyembre 20, 2023, sa ginanap na regular session sa SB Session Hall.

Makikitang handa na si Dulay na maglingkod at gawin ang mga responsibilidad bilang pinuno ng mga kabataan at pamunuan ang mga ito tungo sa pagsasakatuparan ng kanilang pangako para sa progreso ng Bayambang.

Siya ang magiging pinuno ng Komite para sa Pag-unlad ng Kabataan at Sports, na dati ay pinamumunuan ni former SK Fed Pres. Gabriel Tristan P. Fernandez.

Sa kanyang pangunang pananalita, nais aniyang tiyakin na ang kapakanan ng mga kabataan ay maprotektahan at marinig sa mga nakahanay na plano, proyekto, at aktibidad ng LGU sa kanyang termino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *