SLP Congress, Nakatakdang Idaos sa Bayambang

Ang DSWD Region I ay bumisita sa Bayambang upang ipaalam ang nakatakdang pagdaos ng Sustainable Livelihood Program (SLP) Congress ng ahensya sa ating bayan sa buwan ng Oktubre.

Ang SLP Congress anila ay nasa ikalimang taon na, at ito ay nagtatampok ng mga gawang produkto at serbisyo ng iba’t ibang SLP associations mula sa buong rehiyon.

Ang DSWD Region I ay nirepresenta ni Mr. Johndel G. dela Cruz, Project Development Officer II at Provincial Partnership Officer, at si Mayor Niña Jose-Quiambao ay nirepresenta naman ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, na siya ring Chairperson ng Bayambang Poverty Reduction Action Team. (RSO; FLAS/BPRAT)