STATE OF THE MUNICIPALITY ADDRESS

The Inauguration 2019

Sa aking muling panunumpa bilang Mayor ng bayan ng Bayambang, ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang hindi mauwi sa wala ang ating mga nasimulang pagbabago. Mga minamahal kong Bayambangueño, makakaasa kayo sa patuloy na pagbibigay ko ng serbisyo kasama sina Vice Mayor Raul R. Sabangan, mga myembro ng Sangguniang Bayan, at ang ating mga Punong Barangay nang sa ganoon ay magwagi tayo sa ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Malayo na ang ating narating, subalit wala pa tayo sa ating destinasyon. Mga panibagong hamon muli ang ating lalampasan ngunit sa ating patuloy na pagkakaisa ay kahit anong kalaban ay kaya nating mapagtatagumpayan. Kaya’t magtulong-tulong tayo bilang isang komunidad at bilang isang pamilya para sa isang magandang kinabukasan para sa ating bayan. Mabuhay ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan! Mabuhay ang Balon Bayambang!

Play
Arrow
Arrow
Slider

SOMA 2018


Salamat sa pakikisama at sigasig ng lahat ng mga Empleyado, Sangguniang Bayan at Department Heads ng LGU, mga kasamahan sa National Agencies, at sa inyong lahat, naging matagumpay ang aking STATE OF THE MUNICIPALITY ADDRESS para sa 2018.

Gaya ng aking nabanggit, ang lahat ng ating pagpupunyagi ay iisa ang patutunguhan: ANG PAGPUKSA SA KAHIRAPAN NG ATING BAYAN!

Ating tunghayang muli ang mga eksena sa araw na iyon na dinaluhan ng iba’t-ibang sektor.


SOMA 2017


Isang taon na po ang lumipas. Ako po muli ay humaharap sa inyo upang mag-ulat sa bayan. Hindi lingid sa inyo na ilang taon din po akong nagmasid at nangarap ng mga positibong pagbabago para sa aking pinakamamahal na bayan ng Bayambang. Subalit dahil sa pagnanais kong mapabuti ang kalagayan ng bawat Bayambangueño, pinasok ko ang magulong larangan ng pulitika.

Ang katanungan sa aking isipan noon ay kung saan tayo mag-uumpisa sa ating kagustuhan maging parte ng pagbabago at pag-unlad. Naisip ko na dapat nakabase ang mga adhikaing ito sa pagsupil sa mga balakid ng kaunlaran.

Kaya’t ang naging konsentrasyon ng ating pakikibaka ay: “LABANAN ANG POLITICAL DYNASTY, KORAPSYON, KAHIRAPAN, AT KRIMINALIDAD.”

Sa punto pong ito, atin pong tunghayan ang mga naging bunga ng ating pagpupunyagi. Bagamat ang mga ito’y umpisa pa lamang, masasabi kong ang mga pagsusumikap na ito, kung susumahin, ay tumatahak sa direksyong ating inaasam lahat, ang daan tungo sa pagbabago at pag-unlad. Ito po ay bunga ng pinagsama-samang hangarin ng bawat Bayambangueño na naniniwala sa administrasyong Quiambao-Sabangan. Kayo na rin po, mga minamahal kong kababayan, ang bahalang humusga kung ang inyong abang lingkod ay nagsilbi ng mahusay at tapat sa inyong pamantayan.