SSS Services, Dinala sa Public Market

Matapos magkaroon ng ocular inspection ang SSS sa bayan noong August 18, muling nagtungo ang ahensya sa Public Market partikular na sa may Magic Supermarket noong August 25, upang maghatid ng kanilang mga serbisyo para sa bawat empleyadong Bayambangueño. Ilan sa mga serbisyong ito ay ang Verification/Inquiries, Issuance of SSS Number, Membership Inquiry, Salary Loan Application, at marami pang iba.

Mahalagang maunawaan ng mga empleyado ang kahalagahan ng pagiging miyembro nila rito dahil ito ay para rin sa kanilang kapakanan lalo na pagdating sa mga ‘di inaasahang pangyayari na kung saan sila’y mangangailangan ng tulong pinansyal. Ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ay hindi lamang para sa mga nasa hustong gulang; mula sa sinapupunan pa lamang hanggang sa huling hantungan ay magiging kaagapay nila ang ahensya sa pagtustos ng mga bayarin, basta’t compliant ang isang miyembro pagdating sa pagreremit ng kontribusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *