Sa kagustuhan ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng tapat at mahusay na serbisyo sa bayan, nagkaroon ng isang “Orientation on Proper Filling-out of SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth).”
Ito ay pinangunahan ng Municipal Human Resource Management Office at dinaluhan ng mga 77 Sangguniang Kabataan Chairperson, Punong Barangay, at Barangay Kagawad noong June 27, 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Ipinaliwanag ni G. Rosario I. de Leon, HRM Officer IV, ang tamang pagfill-out ng SALN form na dapat sundin ng mga kawani sapagkat ito ay mandatory na dokumento para sa lahat ng lingkod-bayan.
Ipinaliwanag niya na ang kahalagahan ng SALN ay hindi lamang bilang isang simpleng dokumento, kundi isa ring mahalagang tanda ng good governance at public service.
Ito ay nagbibigay-daan sa transparency, integrity, at accountability sa hanay ng mga kawani ng gobyerno. Ito rin ay isang instrumento upang mapanatili ang tiwala ng publiko at tulungang maitaguyod ang tamang pamamahala sa kabang-yaman ng bayan at ang pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni JMB)