Tax Declaration ng Assessor’s, Tuluy-Tuloy

Tuluy-tuloy ang Assessor’s Office sa pag-iissue ng tax declaration para sa mga bagong naitayong istraktura, mapa-residential man o commercial building.

noong November 22, 2023, ang team ni Municipal Assessor Annie de Leon ay umikot sa Brgy. Tococ Hermoza and Tatarac.

Ipinapaalam ng Assessor’s team sa mga ating kababayan na kailangan nilang magbayad ng amilar ayon sa batas, hindi lang para sa mga commercial building, kundi pati na rin mga residential building (with exceptions), dahil sa real estate tax nanggagaling ang kita o revenue ng Munisipyo upang may pangtustos sa lahat ng development projects ng lokal na pamahalaan.

Sa ganitong paraan, ang bawat residente ay may ambag sa pamamahala at pagpapaunlad ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *