TODA, Sumabak sa Road Safety Orientation Seminar

Sumabak sa isang Road Safety Orientation Seminar ang 120 na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Bayambang noong December 14, 2023, sa Bayambang National High School Gymnasium.

Ito ay inisyatibo ng Bayambang Public Safety Office sa pamumuno ni BPSO Chief Officer, Ret. Col. Leonardo Solomon.

Dumalo sa program sina Councilor Martin Terrado II at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, upang magbigay ng inspirasyunal na mensahe.

Naging guest lecturer ang LTO Bayambang, PNP Bayambang, at Provincial Highway Patrol Group. Sila ay nagbigay ng karagdagang kaalaman sa mga motoristang Bayambangueño ukol sa maaari nilang gawin nang maiwasan nila ang paggawa ng anumang traffic violations.

(by Vernaliza M. Ferrer/RSO; photo: Ace Gloria)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *