Tourism Month 2023, Binuksan sa Pamamagitan ng Tree Planting Activity

Bilang pakikiisa sa Tourism Month Celebration 2023 mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 30 ng Department of Tourism (DOT), ang Bayambang Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office (MTICAO) ay nagsagawa ng isang tree-planting activity sa paligid ng Brgy. Tanolong.

Ang opening activity ng pagdiriwang ay naayon sa tema ng taong ito na “Tourism and Green Investment.”

Ang sabayang pagtatanim ay ginawa ng mga staff ng Tourism Office kasama ang ilang kawani ng munisipyo, estudyante ng Bayambang Polytechnic College, at mga opisyales ng naturang barangay.

Umabot sa 700 na punla ng iba’t-ibang fruit-bearing trees, vegetables seeds, at puno ng gmelina ang naitanim ng grupo sa naturang barangay.

Inaasahang magiging kapakipakinabang ang mga ito at magsisilbing tourist attraction sa kanilang barangay sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *