Training para sa Food Safety Compliance Officers, Isinagawa

Nagsagawa ng Food Safety Training for Compliance Officers ang pamunuan ng Bureau of Plant Industry (BPI) – Plant Product Safety Services Division (PPSSD) – Food Safety Unit (FSU) Baguio, alinsunod sa BPI Administrative Circular No. 2 s. 2021 para sa kinakailangang pagtatalaga ng FSCO ng mga kumpanyang nasa food business operation (FBO) kabilang ang primary production, minimal processing, storage at transport, at distribution ng plant food products sa ilalim ng implementasyon ng Food Safety Act of 2013 o RA 10611.

Ito’y isinagawa sa Municipal Hall compound ng Bayambang at dinaluhan ng mga FBO owners at kanilang mga itinalagang FSCO.

Ang mga partisipante ay mula sa bayan ng Bayambang at Villasis, Pangasinan at sa Samar, Bulacan, at Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *