Usapang SingKapital 2023, Naging Mainit-init sa SingKapeTalk

Naging punung-puno ng impormasyon sa lokal na kasaysayan at mainit na talakayan ang Facebook Live talk show na tinaguriang “SingKapeTalk” bilang simpleng paggunita ng SingKapital 2023 noong ika-12 ng Nobyembre, 2023 sa Bayambang Museum of Innovation, Municipal Plaza.

Ito ay inorganisa ng Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office sa pangunguna ni Dr. Rafael L. Saygo, sa tulong ng Municipal Museum, BPRAT, at ICTO staff.

Umikot ang naging usapan sa kung ano nga ba ang SingKapital, bakit kinakailangan itong gunitain taun-taon, at anu-ano ang mga kuwentong kaakibat o nakakabit dito.

Ang mga ito ay isa-isang sinagot ng mga resource speakers na sina former PSU-Bayambang College Dean, Dr. Clarita DG. Jimenez, former PSU Prof. Januario Cuchapin (at BMCCA Executive Director), former PSU professor, Dr. Leticia B. Ursua (na siya ring LGU Media Affairs Officer), at PIO Resty S. Odon.

Matapos ang pagtalakay ay ipinakita naman ang video presentation ng pinakaunang paggunita sa makasaysayang pagbisita ni Hen. Emilio Aguinaldo sa bayang ito noong Nob. 12, 1899 sa pamamagitan ng isang reenactment sa entablado sa harap ng Munisipyo noong Nob. 29, 2013 bilang preparasyon sa quadricentennial celebration ng Bayambang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *