Vice Mayor IC, Bagong Chairman ng KSB

Nahirang bilang bagong Chairperson ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) si Vice-Mayor Ian Camille C. Sabangan, DPA, sa ikapitong taon ng KSB.

Sa isinagawang refresher meeting para sa KSB Year 7 team noong  ika-9 ng Enero 2024, sa Mayor’s Conference Room, iprinesenta ang mga update sa mga alok na serbisyo ng iba’t ibang departamento para makapaghatid ng Total Quality Service para sa mga Bayambangueño na malalayo sa sentro ng bayan.

Naroon sa pagpupulong sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Liga ng mga Barangay President Raul R. Sabangan, BFP OIC Chief, SFinsp Divine Cardona, Rural Health Unit III head, Dr. Roland Agbuya, at mga kinatawan ng iba pang concerned agency, department, at unit heads.

Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 7 ay magsisimula na sa darating na Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *