Weigh-in para sa LGU Weight Loss Challenge, Nag-umpisa Na!

Nag-umpisa na ang weigh-in para sa Trim and Triumph Weight Loss Challenge para sa lahat ng LGU employees, sa pag-oorganisa ng Weight Loss & Physical Fitness Technical Working Group.

Layunin ng challenge na ma-udyok ang lahat ng kawani na piliin ang healthy lifestyle nang makapagbigay ng mahusay na serbisyo publiko.

Sa Trim and Triumph Weight Loss Challenge, ang mga kawani ay sasali bilang tig-isang pares na may iisang fitness goal.

Nakatakdang manalo ng malaking cash prize ang team na may pinakamataas na score sa fat loss, muscle loss, at monitored attendance sa physical fitness activities gaya ng Zumba, yoga, pilates, at gym sessions.

Ginanap ang weigh-in sa Events Center Gym noong February 1, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *