MCDO, Nag-Lakbay Aral sa Vigan

Noong April 27-28, nagtungo ang Bayambang Municipal Cooperative Development Office sa pangunguna ni OIC-MCD Officer Albert Lapurga kasama ang mga representante ng 13 na kooperatiba sa Bayambang upang mag-benchmarking sa headquarters ng Nueva Segovia Consortium of Cooperatives sa Vigan City, Ilocos Sur.

Kanilang sinuri ang best practices ng nasabing co-op consortium, kabilang na ang NSCC Multipurpose Cooperative, NSCC Federation, at SACDECO o Sta. Cruz Savings and Development Cooperative upang maibahagi ang mga bagong kaalaman sa mga kapwa miyembro ng kanilang kooperatiba.

(Photos courtesy of MCDO, NSCC)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *