Mayor Niña, May Regalong P5,000 kada Barangay

Ang pitumpo’t pitong barangay ng Bayambang ay sunud-sunod nang nagdiriwang ng kani-kanilang kapistahan, at para magbigay ng karagdagang saya sa bawat Bayambangueño, isang munting regalo mula kay Mayor Niña Jose-Quiambao ang nakatakdang matanggap ng mga ito.

Ito ay ang financial assistance na nagkakahalaga ng P5,000 kada barangay na maaari nilang gamitin sa anumang kanilang hangaring pagkagastusan para sa kapistahan ng kanilang barangay.

Ang magandang balitang ito ay inanunsyo ni Dr. Rafael Saygo noong April 18 sa pulong ng Municipal Development Council kung saan dumalo ang lahat ng mga Punong Barangay.

Inaasahang agad nang maipapamahagi ang halagang ito sa tulong ng Niña Cares Foundation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *