Paligsahan sa Sining Kaugnay ng Inang Kalikasan, Bagong Pasabog sa Buwan ng Turismo

Noong, ika-22 ng Setyembre, 2023, natunghayan ang tagisan ng husay sa pagpinta at galing sa pagdisensyo ng mga miniature garden sa selebrasyon ng Tourism Month 2023 na idinaos sa Balon Bayambang Events Center, sa temang “Tourism and Green Investment.”

Sa Painting Contest, si Ms. Nicole Joi B. Gasmen mula sa bayan ng Alcala ang itinanghal na grand winner matapos niyang mapukaw ang mga mata ng hurado sa kanyang natatanging obra. Siya ay nagwagi ng P15,000 cash prize. First runner-up naman si Mark delos Santos ng San Carlos City, na nag-uwi ng P12,000 cash prize, at 2nd runner-up si Geisha Althea de Leon ng Sta. Barbara, na nag uwi naman ng P10,00 cash prize.

Grand winner sa Dish Garden Contest sina Ma. Wenonah L. Go, Ma. Imelda A. Gabriel, at Marilyn E. Tulagan na nagkamit ng P10,000 cash prize. First runner-up naman si Bryan Jose S. Cayabyab na nag-uwi ng P7,000 cash prize, at 2nd runner-up sina Arriana Rian Luvina, John Floyd Asuncion, at Bernadette Bugarin na nag-uwi ng P3,000 cash prize.

Naging hurado sina Municipal Vice-Mayor Ian Camille Sabangan; LGU Media Affairs Officer, Dr. Leticia Ursua; Special Economic Enterprise head, Atty. Melinda Rose Fernandez; Bayambang Municipal Council for Culture and Arts Executive Director, PSU Retired Professor Januario Cuchapin; at PSU retired Arts Professor Peregrino Larang.

Pinangakuan ni Mayor Niña ang halos lahat ng artist mula sa iba’t ibang bayan na lumahok sa patimpalak na magkaroon ng commissioned paintings para sa Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center.

Ang Tourism Month Celebration 2023 ay isang makulay at masayang pagkakataon para sa mga lokal na pintor na ipamalas ang kanilang talento kasabay ng pag-alintana sa estado ng ating inang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *